Tayo'y muling nagkita ng 'di inaasahan 'Di natin alam kung pano magpapansinan Ilang taon din ang lumipas nang huli mahagkan Kaya ikay nginitian at kinamayaan Aayain kang muli Sa paborito nating kainan 'Wag mahiyang ngumiti 'Di ko rin naman mapigilan May gusto ako sa 'yong sabihin P'wede pa kaya kitang dalhin Dalhin doon sa ating pinagmulan Limutin muna ang mapait na nakaraan Gusto ko muling marinig ang agos ng karagatan Tayo'y magtatampisaw at ibabalik Ang dati Ako'y yong tinanong kung ako ay ayos lang P'wede bang sabihin ang katotohanan Ika'y nami-miss ng labis Ika'y nami-miss ng labis P'wede pa bang ibalik ang dating tamis (ngunit) Magpapaalam nang muli Dahil nandyan na ang bago mong taga sundo at hatid Bigla mo kong tinawag at pinalapit Para ipakilala bilang Kaibigan mong matalik Kaibigan nga lang ba Kaibigan nga lang ba Kaibigan, kaibigan Kaibigan na lang ba Dalhin doon sa ating pinagmulan Limutin muna ang mapait na nakaraan Gusto ko muling marinig ang agos ng karagatan Tayo'y magtatampisaw at ibabalik Ang dati ♪ Ibubulong na lang sa hangin Ibubulong na lang sa buhangin Ibubulong na lang sa dagat na nag-aantay sa 'tin Hihingi ng paumanhin Dahil hindi na kita madadala sa pinagmulan Hindi ko na maituturo ang ating daan Hindi na natin maririnig ang agos ng karagatan 'Di na magtatampisaw at maibabalik Ang dati