Ika'y natagpuan sa isang masikip na eskinita 'Di alam kung pa'no nga ba ang laro ng tadhana Ako'y napabangon at napalingon, bakit kaya? Ika'y kakaiba, napatulala, oh, alam ko na Biglang nabihag sa 'yong ngiti na bumuo sa aking gabi Biglang nahumaling sa taglay mong ganda't nagpapasalamat, dahil Nakilala kita sa isang masikip na eskinita (eskinita) Ikaw na nga ba ang regalo ni Bathala? (Eskinita) Sa isang tingin nga lang ay nakakatunaw na (eskinita) Hanggang kailan pa kaya ako aasa? La, la-la-la-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la-la ♪ Isang linggong nakalipas, ba't 'di ka pa din nagpapakita? Ewan ko nga ba kung ba't hinahanap kita Ako'y napalingon sa kanto, at nakita kita May dala na tsokoleteng tunaw na (tsk, ano ba 'yan?) Napatawa sa 'yong gimik na para bang isang comedy Muling nahumaling sa taglay mong ganda't nagpapasalamat, dahil Nakilala kita sa isang masikip na eskinita (eskinita) Ikaw na nga ba ang regalo ni Bathala? (Eskinita) Sa isang tingin nga lang ay nakakatunaw na (eskinita) Hanggang kailan pa kaya ako aasa? La, la-la-la-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la-la ♪ Isang taong nakalipas, nandito pa din sa 'king tabi (eskinita) Ginagawa ang lahat para sa akin (eskinita) 'Di akalaing mapapasaakin (eskinita) 'Di akalaing tatabi gabi-gabi La, la-la-la-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la-la