Kishore Kumar Hits

Marissa Sanchez - Pag-ibig Ko'y Pansinin lyrics

Artist: Marissa Sanchez

album: Slowing It Down


Ooh, la-la-la-la-la-la, la-la-la
Narito ang pag-ibig ko
Ibibigay nang buong-buo
Nangangarap nang mag-isa
Umaasa na makapiling ka
Narito ang buhay ko
Nakalaan para sa 'yo
Naghihintay ng pag-asa
Na sana ay iyong madama
Langit ka, lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo?
Mahal kita, mahal mo ba ako?
Hanggang pangarap na lang ba ito?
Kaya kong gawin, ngunit 'di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana'y mapansin, whoa-oh
Narito ang awit ko
Ang himig nitong puso
Naglalarawan ng pagsinta
Nagbibigay ng sigla at saya
Langit ka, lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo?
Mahal kita, mahal mo ba ako?
Hanggang pangarap na lang ba ito?
Kaya kong gawin, ngunit 'di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana'y mapansin
Ang pagtingin mo at pagmamahal
Damdaming iningatan nang kay tagal
Langit ka, lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo?
Mahal kita, mahal mo ba ako?
Hanggang pangarap na lang ba ito?
Kaya kong gawin, ngunit 'di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana'y mapansin, whoa-ooh
Ooh-oh-oh-oh-ooh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists