Nang ako'y isinilang mo dito sa mundong ibabaw Na binigay ang buhay ko, na iningatan niyo Mula noong ako'y bata pa, madalas ikaw ang kasama Itinuro niyo, tamang buhay ko para sa kinabukasan At ngayong ako'y may isip na, nand'yan pa rin kayo Handang tumulong sa mga problemang hinaharap ko Marami pong salamat, nanay, dakila ka kaninuman Alay ko sa inyo ang aking buhay, at ito'y hindi malilimutan Marami pong salamat, nanay, minamahal kitang tunay Hinding hindi malilimutan, mga pangaral mo Mga pangaral mo, inay ♪ Marami pong salamat, nanay, dakila ka kaninuman Alay ko sa inyo ang aking buhay, at ito'y hindi malilimutan Marami pong salamat, nanay, minamahal kitang tunay Hinding hindi malilimutan, mga pangaral mo At pagmamahal mo, inay