Kishore Kumar Hits

Illustrado - Alam Namin lyrics

Artist: Illustrado

album: Hanggang Kamatayan: Ngayon


Alam namin kung sa'n ka galing at kung sa'n ka papunta (Ha)
Alam namin kung anong kaya mo at kung pano ka nahulma
Alam namin kung sinu-sino'ng aabalahin mong taga-salo
Alam namin 'pag nawala ka, walang maghahanap sa'yo
Natural lang na kampanteng, ignorante na gigil
Nangungutang patago at lantaran na singil
Pero 'di ka nalagpasan, 'di ka naabsuwelto
Sadyang kulang ka sa ganap na pagkakuntento
Binulag ka sa pekeng ginhawang pinaranas
Minura kang imahe bilang senyas sa paglagas
Tinulak na makakuha ng kabakas
Na may makaramdam at magplano na tumakas
Pa'no sarap pang bulaga ang mag lungga ka sa liblib
O saan mang sulok ng kung anong daigdig
Na markado, kontrolado, kahit pa'no pa tumindig
Meron kang ekis sa noo
At may krus ka sa dibdib
Kinukumbinsi manlaban nang mapadamang buo
Na mula pa sa simula nawalang lahat sa'yo
Sa muling pagliwanag, may mabibilad sa dulo
Pag-angat ng palakol, ay may lilipad na ulo
Lahat may maskara o may nakabalot
Pero 'pag mag-isa siguradong astang hayop
May duwag sumubok, may nahihiyang matalo
Pero meron din sa panghuhusga mas natatakot
Tayong basura sa mundo tanging sagabal
Madumi ang utak kahit maayos ang asal
Bawat kamay imbis tumulong nakatakal
Madami pa ding tanga kahit nakapag-aral
'Di nyo yan alam, alamin aking tugon
Tama ang utak nyo may marinig na bulong
Pagod sa depresyon, sumunod sa relihiyon
Kasi sa dami ng donasyon, mas marami pa ring gutom (Haha)
Loko lang, mga pare, loko lang
Ilang milyon ang binulsa tawag dun ay lokohan
Sa labas kinupit 'to, di tayo nilooban
Kasi serbisyo publiko, magandang negosyo yan
Ito ay totoo 'man pero walang aamin
Merong nasa langit 'di dahil sa panalangin
Sobrang kapal ng mukha, grabeng walanghiya, men
Kasi alam nila mismo na ito ay alam namin
O alam ko, kung pa'no ka magmasid
At ang plano mo pagtapak para lang makatawid
Nagpakain sa higante ...
Papunta ka pa lang, may milyon na kong nahatid
Mabuting kaibigan, lihim na kaaway
Pagkatay mo na pakay, ramdam ko sa kada tagay
Hepe sa kadete, hoy, di tayo magkahanay
... sa'yo'y umubos, kahoy do'n sa anay
Tingin pailalim, pusong hudas magbadya
Talagang dapa sa malalim na badya
Gilagid mong itim baon mo sa pagtanda
Papano kang dilat ngunit 'di magiging banta
Upang makaahon ka sandugo ay nilason
Tinuri mong humabon, tiwala ay tinapon
Palihim humamon, lamon, baon sa alon
Kaya ngayon kailangan nang lumimot ng kahapon
Tupok na ang liwanag sa alab mong mahina
Patay na ang apoy ng sinauli kong kandila
Di ka na lalakas lunukin man ang bato
Nais ko lang malaman mong lahat ay alam ko

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists