Kishore Kumar Hits

Illustrado - Bartolina (feat. Apoc, BLKD, Kemikal Ali) lyrics

Artist: Illustrado

album: Illustrado


Gutom walang makain
Kulob at walang hangin
Madilim mong kapalaran
Pano papaliliwanagin
Wala nang susi ang kandado na utak mo na sarado
At pano aabante sa buhay mong atrasado
Tila kalyeng puro bubog di pwede paandaran
Biyaheng langit walang preno na di mo masabayan
May ugaling pang berdugo
At kamandag ng alakdan
Ng silya elektrika ng bilango ng nakaraan
Anong mararating sa ganitong pamamalakad
Dulo ng walang hanggan sa mundong
Walang patawad
Yang pangarap mo sa buhay
Sa sarili iginagawad ay hindi
Abot kamay kahit mag mariang palad
Nasa hulog ang lagay sitwasyon di magbabago
Ika'y tutang naligaw sa pugad ng mga lobo
Solidong pag tugma na sayo'y magbabaon
Habang ako nasa loob ng isip mong de kahon
Utak ko ay nasa titi laging sa sarap lang
Pinagbibigyan ang hilig ang akin nang ayawan
Pakiramdam ko nagsilibi na haligi sa daan
Akong nakakulong alipin sa sariling katawan
Mula't sa mali na paraan mga mata ay tinakpan
At sa utak tinamnan atraso ng iba bilang yan
Bawat tawag ng laman ito'y sagad na ninam-nam
Ako ang nagbabayad sa unang sala ni Adan
Magpaposas sa sistema hindi ako pumayag
Pakapalan ng balat ako'y naging taong buhaya
Daigdig ko'y bartolina
Sa loob lagi natutunganga
Kandado sa sarili, isip lalong lumayas
Sa konsepto ng suntukan
Gumamit ng paa pag tali sakin ay kulang
Kalayaan ng pag alsa
Eto reyalidad ay hudas
Ako'y sa kahon nakawala
Mas nakitang katauhan
Pinikit mga mata
Sa silid na kulob bakit kilos ay pigil
Ako'y naging pang lima dating apat na pader
Kapirasong hangin liwanag
Sa siwang dumadaloy
Hadlang sa matadero nag diwang mga baboy
Isa yung nakulong at maraming nakalaya
Pero ayon sa bulong ito ay pandaraya
At di ito tungkol sa kalayaan na mithiin
Ito'y kwento ng taga katay
Na tumakas sa tungkulin
Kaya mag taas noo
Di niyo para gawin
Pagka't noo'y tinataas
Para biyakin sa halip ay tiyakin niyong
Na di ko maisip na kumawala sa likha kong panaginip
Kalaban ko'y inip kalaban niyo ako
At alam nating lahat kung saan to hahantong
Hinatak pabalik para sa ano
Binigay ko yung sagot
Bago mo pa itanong
Pag mulat ng mata madilim
Wala akong makita kahit na katiting
Biglang napaisip, biglang napailing
Mukhang sa bartolina nanaman ako ay nagising
Tangina, bukas na paglaya ko
Malas ko, mukhang napaaway ako sa mga kalaban ko
Aking sentensya, baka mapahaba to
Baka naman si hepe ay mapakiusapan ko
Kaya kalampag, sa bakal na pinto
Kalampag nang kalampag at hindi humihinto
Hanggang napagod, mawawalan na sana ng pag-asa
Biglang may nagbukas, pero hindi gwardya
Isang halimaw, ang sungay mataas.
At bakit nasusunog ang paligid sa labas
At sa wakas napagtanto, patay na pala ako
Isang kaluluwang sinusundo ni Satanas
Abangan muna sub poenang lalapat sa balat
Sapat na disiplina para lang sa salat
Hindi naaangkop, sa mga nakaka-angat
Sa lipunan kaya't mag ipon ka na agad
Di bali nang tamad basta di pagod
Yan ang paniniwala ng hindi nababagot
Sa sitwasyon ng dehadong
Laging inaapi, daang taon ka na sa kahon
Di parin nanga-ngati
Diyan ka lang ba sa ilalim mangi-nginain
Pagpapala ng iba libangan mong bilangin
Sin nipis ng kartolina ang pasensya mo
Nang hui na ang talbog ng delihensya mo
Mababawasan ang sintensya
Kaso pupuwitan kaluluwa'y dudumihan
Nilang mga tulisan
Mismong si warden
Di ka na matutulungan
Kasi di ka nag abot ng pang pulutan
Pii't ang poo't
Paa't kamay
Na may suot na posas
Kandado ay oras
Lukot na ang mga buto sa sikip
Ng kahon nagkukulong
Sa bastos na bibig
Tunay kong galit ay pang gilit
Kaya't gulat mga pilit
Mag tulog mula't
Mga salot nasa sulat
Walang masalat
May pera sa basura kaya nag kakalat
Ako ay rosas na pumipiglas
Sa dagan ng konkreto
Bumibigwas ng bawas ng pursyento
Namimilitang magsustento
Ng progreso kada texto
Pantas ng pintas
Madalas punto's
Ay bawas pagka't sa punto ang lakas
Dakilang bihag ng pagpaparaya
Ako'y nagkukulong upang makapagpalaya

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists