Kishore Kumar Hits

Apoc the Death Architect - Husgado lyrics

Artist: Apoc the Death Architect

album: Loob Ng Kabaong


Husgado - Apoc
Ang nasasakdal, ang pangalan ay Tessa
Ahente ng condo hirap sya sa makabenta
Ang biktima ay pangalan ay Ezra
Laki sa kayle at laging tambay sa Edsa
Si Tessa minsan nang ginabi sa kalsada
Inindian ng kliyente kaya't badtrip ang gaga
Naglalakad sa madilim na bangketa
At doon nakasalubong ang babaeng si Ezra
Na rapper ang dating kaya't natakot na sya
Bumilis ang lakad, halos tumakbo na nga
Sabay lumingon si Tessa nang may halong kaba
Nakita nya si Ezra, hinahabol na sya
Kaya sumigaw si Tessa ng "saklolo"
Ang sumunod na eksena ay napahiya sya ng todo
Sabi ni Ezra "Miss, wag ka na matakot po.
Ibabalik ko lang itong nahulog na pitaka mo"
Ako, ikaw
Kami, sila
Lahat tayo ay aprubado
Ako, ikaw
Kami, sila
Lahat mga hurado
Di kailangan ng abugado
Kaya aking kapatid sumama ka na sa husgado
Sa husgado
Sa husgado
Ang nasasakdal, ang pangalan ay Randy
Ilang taon na syang namamasada sa taxi
Ang biktima, ang pangalan ay Mandy
Ingliserang mayaman na taga-makati
Napick-up ni Randy si Mandy
Na maraming dalang
Shopping bag ang mukang mahal ang laman
Maarte kung makipagusap si mada'am
Kaya si Randy ay napasimangot nalang
Kasi ayaw ni Randy sa sosyal na maldita
Hanggang sa destinasyon ay iritado parin sya
Pero nagulat sya nung si Randy ay dinumog
Ng mga batang nagbebenta ng sampaguita kaya
Kaya sabi ni Randy "gusto mo palayasin ko?"
Sabi ni Mandy "Wag. Sila'y mga kakilala ko.
Lagi akong bumibisita sa lugar na ito
Para mamigay ng mga pagkain sa mga batang to."
Ako, ikaw
Kami, sila
Lahat tayo ay aprubado
Ako, ikaw
Kami, sila
Lahat mga hurado
Di kailangan ng abugado
Kaya aking kapatid sumama ka na sa husgado
Sa husgado
Sa husgado
Ang nasasakdal, walang iba kundi kayo
Mga mapanghusgang, nagaastang santo
Sa bawat pagturo mo dapat nakita mo
Na may tatlong daliri na babalik sayo
Kasi, ano ang alam mo sa naranasan ko
Sa buhay ng iba na pinangungunahan mo
Pero wag ka matakot kasi asahan mo
Na lahat tayo mapanghusga sa antas lang nagkatalo
Bata o matanda
Ganyan ang pagkahulma
Minsan ang yung mukang inosente ay mas masahol pa
Ako nga ay mas gago pa
Sapagkat hinuhusgahan ko kayo sa pagiging mapanghusga
Ha, kaya sumama ka sa akin
Sa mundong mala-husgado ikaw ay aking aakayin
Kasi kapatid kung ating susumahin
Lahat tayo ay mapanghusga. Ayaw nyo lang umamin
Ako, ikaw
Kami, sila
Lahat tayo ay aprubado
Ako, ikaw
Kami, sila
Lahat mga hurado
Di kailangan ng abugado
Kaya aking kapatid sumama ka na sa husgado
Sa husgado
Sa husgado
Sa husgado
Sa husgado
Tara tara
Tara tara
Tara tara

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists