Kishore Kumar Hits

Plazma - Kastigo (feat. DJ Antsdru) lyrics

Artist: Plazma

album: Ang Ulan At Ang Delubyo


Isa lang ang kailangan pag ako ang makakalaban
Magsuot ng barong dahil pormal kang mamamaalam
Ito'y purong gaspangan para sa mga humaharang
Saksakin sa tiyan kung hindi mo to masikmuraan
Mga paninira ay tinuturing kong mabuting bagay
Dagdag gasolina para sa pagsunog ng inyong bahay
Kayo'y dadalin sa tamang landas: diretso sa hukay
Totoo ang mga halimaw at ako ang patunay
Kaya sa mga hindi naniniwala, eto ang aking atake
Sunod-sunod na palakol parang bobong estudyante
Kung humihinga pa, pwes patuloy ang pagmamaltrato
Kayo'y papalunukin ng mga kinakalawang na pako
Ganito ang aking utak, sadyang napaka brutal
Maluwag na ang turnilyo kaya aking tinanggal
Hindi lang pinaka lirikal kundi pinaka imoral
Titigil lang ako sa isang kondisyon yung kritikal
Mabangis na animal, minsan lang magpakitang tao
Yun ay pag sinasabit ang mga bangkay sa aking bakod
Tamang ikaw ay kabado, wag na umasa sa milagro
Masamang pangitain pag ako'y bumabanat ng berso
Kahit pa maging alerto, mauuwi ka sa sementeryo
Mga sigaw ng biktima para sakin ay konsyerto
Mensahe ko sa buong eksena ay humanda sa pagsalakay
Imposible nang magkaisa nagsimula na ang pag katay
Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya
Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta
Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma
Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa
Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya
Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta
Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma
Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa
Aking ikatlong mata ay sa likuran ko nakalagay
Kaya patay ang mga traydor na nagtankang sumabay
Kapag ika'y binutusan gamit matulis na lanseta
Lahat ay lalabas parang katapusan na ng pandemya
Bawat lamangloob na kumalat ay ihahain sa lamesa
Iimbatihin ang mga kapwa cannibal para sa fiesta
Gagamitin kong kubyertos ang mga bali mo na buto
Aking panulak sa salu-salo ay ang sarili mong dugo
Matinding karahasan, yan ang palaging natatanggap
Ng mga bobong nagsasabi na baduy ang tagalog rap
At sa mga nagpapanggap, na sila'y mapera sa rima
Pag dinukot ko mga mata niyo wala na kayong kita
Unang salita palang ng aking pinaka unang linya
Ay bigla nalang sumisindi ang mga itim na kandila
Malalagay ka sa panganib kapag ako'y naka enkwentro
Mga kaluluwang ligaw ay sa kwaderno ko dumidiretso
Simula't sapul ako'y nababalot ng misteryo
Pumapanaw ang mga nakakatuklas ng aking disenyo
Mga sangkap ng lason ang bawat bersong sinulat
Sobrang makamandag umiiwas mga ahas sa gubat
Mananatiling walang kupas kung sumagupa to
Imbis na asin, lalagyan ko ng bubog mga sugat mo
Iyong naramdaman kung pano ako mandurog ng pagkatao
Tawagin mo tong dagok ng kapalaran gamit ang maso
Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya
Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta
Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma
Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa
Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya
Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta
Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma
Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists