Kishore Kumar Hits

Plazma - Tag Araw lyrics

Artist: Plazma

album: Ang Ulan At Ang Delubyo


Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw
Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw
Panandaliang tatakas mula sa mundo ng kadiliman
At lalasapin ang katahimikan kahit sandali lang
Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw
Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw
Handa kong harapin ang mga susunod na kabanata
Hangga't kaya kong tumugma, walang bala na tatama
Kung hindi dahil sa musika, baka ako ay pumanaw na
O baka ang kabaliwan ay tuluyang mangibabaw na
Sa dami ng aking pinagdaanan talagang nakakagulat
Na patuloy akong lumalakbay dito sa konkretong gubat
Ito ay dahil pinili kong kunin ang papel at panulat
Madilim na kabanata ng buhay ko ay aking inulat
Lahat ng galit sa mundo ay sa mikropono ko sinigaw
Pagkatapos ng bawat rima ay may ngiti na lumitaw
Kaya kahit saglit ay hindi ko naisipang bumitaw
Kahit marami ang hindi sumasangayon saking pananaw
Naalala ko pa dati sunod-sunod ang mga kumukontra
Napapaaway sa labas dahil lang maluwag ako pumorma
Itong sining ay hanggang kamatayan kong ipaglalaban
Ito ang nagsilbing gamot para sa aking karamdaman
Wag niyo 'kong husgahan agad sa pinakita kong istilo
Pinili ko lang namang gawing positibo ang negatibo
Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw
Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw
Panandaliang tatakas mula sa mundo ng kadiliman
At lalasapin ang katahimikan kahit sandali lang
Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw
Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw
Handa kong harapin ang mga susunod na kabanata
Hangga't kaya kong tumugma, walang bala na tatama
Maraming salamat sa lahat ng mga nagtiis at nanatili
Nung mga panahon na ako'y may marahas na pag-uugali
Mga pamilya at tropa na naunawaan ang ginagawa ko
Hindi ko kayo makakalimutan yan ang aking pangako
Sa unang rinig kayo'y nagulat sa mga awiting nagawa
Pero tinanggap ninyo na ito ang aking pampakalma
Nais ko ring pasalamatan ang mga kapatid ko sa eksena
Kayo ang nagtulak sakin na seryosohin ang mga piyesa
Dumadami na ang sumusporta sating tunog at lirisismo
Ang lupit dahil nagawa natin to na walang kompromiso
Salamat din nga pala sa mga kritiko at mga nakaaway
Pati sa mga supot na makata na sinubukang sumalakay
Kayo ang inspirasyon dito sa pinamalas kong sakuna
Aking inambag sa kulutra ay hindi niyo na mabubura
Halimaw na nilabas ko kanina ay makakatulog na ulit
Pero palagi niyong tatandaan na pwede siyang bumalik
Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw
Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw
Panandaliang tatakas mula sa mundo ng kadiliman
At lalasapin ang katahimikan kahit sandali lang
Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw
Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw
Handa kong harapin ang mga susunod na kabanata
Hangga't kaya kong tumugma, walang bala na tatama

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists