No'ng bata ka, lasenggo 'yung tatay mong abogado Magulang mo'y nagsabong, nagkulong ka na sa kwarto Nagtataka kung bakit itim ang eyeshadow ng tanging ina mo Pambura ng peklat sa mukha Bilhin mo na itong cream Kung gusto ka n'yang laging maganda Bilhin mo na itong cream ♪ Ginamit mo ang cream na pampaputi ng kilikili Binuklat ang magazine, nalimot ang labahin Tambak na daw ang hugasin Nabasag ang plato nang hinampas sa mukha mo Nagulat ka bigla na ang jowa mo'y parehas sa tatay mong abusado Pambura ng peklat sa mukha Bilhin mo na itong cream Kung gusto mo s'yang laging masaya Bilhin mo na itong cream ♪ Nilinis mo naman, hindi kuminis Pinahid mo na nga, pangit pa rin Kahit ano'ng gawin, s'ya'y maiinis Ano pa mang sabihin ay gugulpihin Pambura ng peklat sa mukha Mga pasang buburahin Kung ayaw mong iwan ka n'ya Eh, 'di ikaw na'ng umalis Pambura ng peklat sa mukha Mga pasang buburahin Kung ayaw mong iwan ka n'ya Eh, 'di ikaw na'ng umalis ♪ Kinuha ang maleta, nagbihis Suot ang ebidensiya