Napapanisan ka na ba ng laway? Sa mga banat ko'y 'di ka makasabay 'Di ka na rin ba mapakali Sa likot ng utak mong nangangati? 'Di ako gagalaw kung 'di ka kikibo Hindi ko isisigaw kung 'di mo ibubulong 'Di naman ako manghuhula ♪ Sinasaniban ka na ba ng gigil? Bakit ang lagkit ng titig mong namimisil? Laging may hawak na alak Sa dami mong nilagok, wala pa rin tayong balak 'Di ako gagalaw kung 'di ka kikibo Hindi ko isisigaw kung 'di mo ibubulong 'Di naman ako manghuhula ♪ Lagi na lang bang matatakot sa kung ano'ng kasasangkutan? Lalong naduduwag habang numinipis ang espasiyo sa pagitan Malay mo naman, makaramdam ka ng hindi mo pa nararamdaman Kung tingin mo'y manhid ka na't nakita mo na'ng lahat ng dapat mong makita Malay mo naman, makaramdam ka ng hindi mo pa nararamdaman Kung tingin mo'y manhid ka na't nakita mo na'ng lahat ng dapat mong makita Hindi ako bibigay kung 'di ka madudulas Hindi ako sasayaw kung 'di ka mangunguna Hindi ko ibibigay kung 'di ka kikibo Hindi ako sisigaw kung 'di mo ibubulong 'Di naman ako manghuhula ♪ Huwag na tayong maglokohan Nagpapatayan na ng ilaw Tayo na lang ang naiwan Huwag na tayong magbolahan Nagpapatayan na ng ilaw Ako na nga'ng mauuna