'Di ba't kung minsa'y 'di mo masabi-sabi ang ibig sabihin 'Di naman kaya'y 'di mabigkas-bigkas ang ibig bigkasin Sa dinami-dami ng mga nilalaman ng pagkayaman-yaman nating talatinigan Himalang 'di maintindihan, 'di mo masabi ang ibig Kahit ang dakila ay tila ay dila ay namimilipit At ang salita'y 'di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng Ika nga'y nakatatanda kung matatandaan 'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig At ang ibig lang sabihin Ang marapat marapatin Ang 'di mo pansin, dapat pansinin Ang 'di mo rinig, dapat ay dinggin Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo 'Di nga ba't ang sabi ng lumang kasabihan 'Di yata't "tulak ng bibig ay kabig ng dibdib" 'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig Kahit ang dakila ay tila ay dila ay namimilipit At ang salita'y 'di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng Ika nga'y nakatatanda kung matatandaan 'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig At ang ibig lang sabihin Ang marapat marapatin Ang 'di mo pansin, dapat pansinin Ang 'di mo rinig, dapat ay dinggin Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo 'Di nga ba't ang sabi ng lumang kasabihan 'Di yata't "tulak ng bibig ay kabig ng dibdib" 'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig 'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig