Ang aking kubo sa tabindagat Dingding ay pawid, bubong ay nipa Sa palibot may mga halaman At bakod na gawang kawayan Gayak ng kubo ay kalikasan Ang kabukiran, ang buwan at bituin Pinapayungan ng punongkahoy Iniihipan ng sariwang hangin Sa aking kubo'y may paralumang Sa aking puso'y nakalarawan At sa pagtulog ay mayrong rosas Na niyayakap ko't hinahagkan Ang aking kubo'y dalampasigang Sa along tulad ko'y inaasam-asam Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit Sa isang palasyong walang pag-ibig Ganyan ang kubo, ganyan ang buhay Minsa'y tatawa ka, minsa'y malulumbay May pagdiriwang, may kalungkutan Laging nanunukso (nangungutya) ang kapalaran May mga sandaling mistulang (akala mo'y) langit Ngunit paggising pala'y panaginip Kaya kailangang sa gabi't araw Didiligin ang kubo ng pag-ibig Sa aking kubo tuwing takipsilim Lumang gitara'y aking kapiling Mga awiting di malilimutan Mga harana at mga kundiman Ang aking kubong pangkaraniwan Di man kastilyo ngunit paraiso Kahit na mukhang bahaybahayan Ang aking kubo'y isang tahanan Ganyan ang kubo... Sa aking kubo'y may paralumang... Kubong kaylanma'y di ko ipagpapalit Sa isang palasyong walang pag-ibig