Kung ika'y wala Ang palibot ko'y parang may tabing Kung ika'y wala Ang mga mata ay may piring Kapaligira'y Nasisira ang tunay na kulay At lumalala Kung ika'y wala Kulay abo ang langit kung ika'y wala Kulay dugo ang lupa kung ika'y wala Kulay luntian ang araw Ang dagat ay kulay dilaw Ang sampaguita ay bughaw Kung ika'y wala Kung ika'y wala Buhay ko'y walang patutunguhan Kung ika'y wala O sinisintang kalayaan Kapaligira'y Parang asiwa at di na bagay At lumulubha Kung ika'y wala Kulay abo ang langit kung ika'y wala Kulay dugo ang lupa kung ika'y wala Kulay luntian ang araw Ang dagat ay kulay dilaw Ang sampaguita ay bughaw Kung ika'y wala Kulay abo ang langit kung ika'y wala Kulay dugo ang lupa kung ika'y wala Kulay luntian ang araw Ang dagat ay kulay dilaw Ang sampaguita ay bughaw Kung ika'y wala At ang uwak kulay papel At ang tagak kulay klabel Kulay kalawang ang kahel Kung ika'y wala At ang gabi'y kulay kula At ang buwa'y kulay pasa Ang rosas ay kulay tingga Kung ika'y wala