Minsan ako ay nag-agahan Doon sa bandang nagtahan Nang mayro'ng nagkagulo sa isang tambayan Ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan Sa isang pampasaherong sasakyan Nang aking nilapitan Tamang-tamang naabutan Ang isa sa biktimang nagsalaysay At ang bukambibig yaong mamang nanginginig Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay Nanakawan na at naholdap si Juan Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan Isang kinsenang kayod Ang pinagpawisang sahod Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw Pati yung estudyante At aleng mukhang pasyente At lolong halos 'di na makagalaw Relo, singsing at hikaw Pati ngiping natutunaw Sinimut noong disenteng lalaki Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw Sila'y inabutan pa ng pamasahe Nanakawan na at naholdap si Juan Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan Ngunit ang nagnakaw pa ang kararangalan Ngunit minsa'y namukhaan itong kawawang si Juan Ang holdaper kanya palang kapitbahay Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy Sa tuwing may okasiyong pambarangay Siya ay kwelang-kwela sa simbahan at eskwela Bida kay bishop, kay judge at kapitan Taon-taon pati ay may medalya at plake Ang magiting at dakilang kawatan Nanakawan na at naholdap si Juan Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan Ngunit ang nagnakaw pa nasa pamahalaan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan At lalong mababaon Dahil sa Philippines 2000