Sinusundan ko ang bawat laro Ng koponan kong naghihingalo Sa bawat bolang binibitaw 'Di mapigilang mapapasigaw Kahit hindi relihiyoso Naaalala ko ang mga santo Oh, San Miguel, Santa Lucia Sana manalo ang Ginebra Sa Coliseum at Astrodome Nakikisiksikan hanggang bubong Nang-aalaska, nanggugulo 'Pag nagfifree throw ang katalo Ang barangay ay nagdiriwang Half-time ay kinse ang aming lamang Cameraman, huwag mo lang kukunan Si senador at congressman Pagbigyan n'yo na ako Paminsan-minsan lang ito Gumaang ang nabibigatang puso Pagbigyan n'yo na ako Sa munting hilig kong ito Kung hindi baka mag-away pa tayo Nang second half ay mag-umpisa Puro palpak ang tira nila Offensive foul si Noli Locsin At si Gayoso, na-traveling Sa kakaibang shorts ni Jaworski Ay ipinasok ang sarili Kalagitnaan ng fourth quarter Tabla ang score, 88 all Drive ni Pido ay nasupalpal Defense nila, na-technical Parang gumuho ang aking daigdig Nang maagawan si Bal David Nang bumusina ng last two minutes Three points ni Hizon ay nagmintis Kunsumisyon ay nagpatong-patong Graduate si Marlou at si Ong Pagbigyan n'yo na ako Paminsan-minsan lang ito Gumaang ang nabibigatang puso Pagbigyan n'yo na ako Kahit na kahit paano Sumaya ng bahagya itong mundo 24 seconds, lamang ng lima Ang kalaban, bola pa nila Dumidilim ang aking paningin Ang tenga ko ay nagpapanting Bumabalik sa aking isip Ang nakaaway ko noong grade six Parang gusto ko na'ng magkagiyera 'Pag natatalo ang Ginebra Galit ako sa mga pasista Galit ako sa imperyalista Feel na feel kong maging aktibista 'Pag natatalo ang Ginebra