Kishore Kumar Hits

TUBAW Music Collective - Parola lyrics

Artist: TUBAW Music Collective

album: Parola


Ako'y isang manlalakbay
Sa malawak na karagatan
Naglalayag ang damdamin
Sumasagwan sa ilalim ng buwan
Hinahampas ng mga alon
Saksi'ng mga bituin at kalangitan
Nagsusumikap na umahon
Bangka ay muntik nang matangay
Ilang beses mang maanod
Malunod sa walang katiyakan
Daluyong ng mga hamon
Ay tuluyang malalagpasan
Maaaninag din ang liwanag
Parola mo'y matatanaw
Susundin lang ang pintig ng puso
Mararating ang dalampasigan
Maaaninag din ang liwanag
Parola mo'y matatanaw
Susundin lang ang pintig ng puso
Mararating ang dalampasigan

Kung muli mang pumalaot
Ako'y hindi na maliligaw
Nakaangkla na sa puso
Dakila mong pagmamahal
Ilang beses mang maanod
Malunod sa walang katiyakan
Daluyong ng mga hamon
Ay tuluyang malalagpasan
Maaaninag din ang liwanag
Parola mo'y matatanaw
Susundin lang ang pintig ng puso
Mararating ang dalampasigan
Maaaninag din ang liwanag
Parola mo'y matatanaw
Susundin lang ang pintig ng puso
Mararating ang dalampasigan
Maaaninag din ang liwanag
Parola mo'y matatanaw
Susundin lang ang pintig ng puso
Mararating ang dalampasigan
Oh-whoa, oh
Oh-whoa-oh
Whoa-whoa, oh
Oh-whoa, oh
Oh-whoa

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists