Aanhin ang mata kung walang mapagmasdang Sayaw sa indayog ng talahiban Aanhin ang tenga kung hindi mapakinggan Ang awit ng hangin sa punong kahoy Aanhin ang labi kung 'di madampian Ng ulan o 'di kaya'y mahagkan ng ilog Pagmasdan, pakinggan, lasapin ang mundo Walang ibang sadya ang ayos nito ♪ Bulaklak sa paanan, naghihintay ng pansin Ano ba ang buhay n'ya kung 'di mo langhapin Ang bato sa batis, kinis n'ya'y masasayang Kung 'di mo mahaplos ang pisngi n'yang alay Aanhin pa ang balat kung 'di maramdaman Ang lambing ng araw at ang sariwang simoy Langhapin, haplusin, pansinin ang mundo Walang ibang sadya ang ayos nito ♪ Gano'n din ang tao nang s'ya'y mahalin Ang tanging pangarap, tanging katuparan