Ako po'y karaniwang tao lamang Kayod-kabayo, 'yan ang alam Karaniwang hanap-buhay Karaniwan ang problema Pagkain, damit at tirahan 'Di ko kabisado 'yang siyensiya Ako'y nalilito sa maraming salita Alam ko lang na itong planeta'y Walang kapalit at dapat ingatan Kapag nasira, sino ang kawawa? Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo? Karaniwang tao, ano'ng magagawa Upang bantayan ang kalikasan? ♪ Karaniwang bagay ay 'di pansin Kapag naipon ay nagiging suliranin Kaunting basura ngayo'y bundok Kotseng sira ay umuusok Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog May lason na galing sa industriya Ibinubuga ng mga pabrika Nguni't 'di lamang higante Ang nagkakalat ng dumi May kinalaman din ang tulad natin Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo? Karaniwang tao, ano'ng magagawa Upang bantayan ang kalikasan? ♪ Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo? Karaniwang tao, ano'ng magagawa Upang bantayan ang kalikasan? Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo? Karaniwang tao, ano'ng magagawa Upang bantayan ang kalikasan? Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao