Kishore Kumar Hits

Joey Ayala at ang Bagong Lumad - Awit Ng Mortal lyrics

Artist: Joey Ayala at ang Bagong Lumad

album: Mga Awit Ng Tanod-Lupa


Ano ang sukat ng halaga ng 'sang buhay?
Kayamanan ba o 'di kaya ang pangalan?
Ano ang titimbang sa husto o kulang
Ng katuparan, ng adhikain at paninindigan?
May gantimpala bang dapat pang asahan
Upang kumilos nang tama't makat'wiran?
Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
Ngayon pa ma'y simulan mo na
Ang bawat tibok ng 'yong puso
Minsan lamang madarama
Ito ang kumpas ng ating awit
Na sadyang may hangganan

May gantimpala bang dapat pang asahan
Upang kumilos nang tama't makat'wiran?
Kat'wan at isipa'y kukupas
Sa lupa'y yayakap din
Subalit, ang bunga ng 'yong pamana'y
Higit pa sa pinagmulan
Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
Ngayon pa ma'y simulan mo na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists