Noong tayo'y mga sanggol Tayo ay magkamukha Pagdaan ng panahon Ay nagkaiba-iba Nguni't huwag sanang lilimutin Ang ating pinagmulan Tayo ay bunga ng mundo Anak nitong sanlibutan Tayo ay mga puno sa gubat Ang ugat at sanga'y magkaugnay Nakakapit sa lupa, sa lupa Tungong langit naman ang paglakbay Tayo ay mga puno sa gubat Sa unos at sigwa'y nagbabantay Nakakapit sa lupa, sa lupa At sa langit sabay kumakaway Aaaaaa... Aaaaaa... Saan ka man mapapadpad Saan mang lupalop manirahan Yayakapin ka pa rin Ni Inang Kalikasan Kaya huwag sanang lilimutin Sa bawa't kilos at galaw Ang pagbibigay-galang Sa mundong kinagisnan II ulit, pwera huling linya At sa langit sabay kumakaway Tayo ay mga puno sa gubat Ang ugat at sanga'y magkaugnay Nakakapit sa lupa, sa lupa Tungong langit naman ang paglakbay Tayo ay mga puno sa gubat Sa unos at sigwa'y nagbabantay Nakakapit sa lupa, sa lupa At sa langit sabay kumakaway Aaaaaaaaa . . . . . . Aaaaaaaaa . . . . . .