Bathala Likha Ninyo ang bawat bagay sa mundo Lupang kayumanggi't luntiang bukirin Alat ng dagat at tamis ng hangin Bathala Ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan Sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang Ang tao Inyong hinugis at pinaahon sa lupa Pinagkalooban ng talino at diwa Upang mundo'y ipaglaban Talino Naging ararong nagpaamo sa palad Naging kumpit na sumagupa sa karagatan Naging apoy na nagpalayas sa karinlan Sagana Sa kayamanan ang mundong Inyong likha At may bahagi rito ang bawat nilalang Kung susuyuin nagmula sa kalikasan Subalit Buhay dalisa ay 'di sapat sa iilan Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman Ganid na diyos ang sinamba Pinaghahati-hatian po nila ang lupa Karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan Walang nakaliligtas sa kanilang karahasan Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya Subalit ang lumilitaw ay isang panggagahasa ♪ Bathala Ako'y hinugis N'yo't pinaahon sa lupa Ang aking buhay ay dito nagmula At dito rin inaalay Bathala Bigyang lakas itong Inyong tanod-lupa Upang umiral sa mapagsamantala Panalangin ko'y dinggin sana, harinawa Bathala