Kishore Kumar Hits

Joey Ayala at ang Bagong Lumad - Kung Kaya Mong Isipin lyrics

Artist: Joey Ayala at ang Bagong Lumad

album: Lumad Sa Syudad, Vol. 4


Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
Isa-isang hakbang lamang at ika'y makakarating
Tulad ng puno na galing sa binhi
Ang mga dakilang gawa'y nagmumula sa guni-guni

Kung ang nais mo'y maging malaya
Sa mundong puno ng panunupil
Buhayin sa sarili ang malayang paraan
At sa araw-araw na pakikitungo sa tahanan at lipunan
Buhayin sa sarili ang malayang paraan
Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
Isa-isang hakbang lamang at ika'y makakarating
Tulad ng puno na galing sa binhi
Ang mga dakilang gawa'y nagmumula sa guni-guni

Kung ang nais mo'y maging payapa
Sa mundong puno ng digmaan
Buhayin sa sarili ang payapang paraan
At sa araw-araw na pakikitungo sa tahanan at lipunan
Buhayin sa sarili ang payapang paraan
Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
Isa-isang hakbang lamang at ika'y makakarating
Tulad ng puno na galing sa binhi
Ang mga dakilang gawa'y nagmumula sa guni-guni
Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
Isa-isang hakbang lamang at ika'y makakarating
Tulad ng puno na galing sa binhi
Ang mga dakilang gawa'y nagmumula sa guni-guni
Ang mga dakilang gawa'y nagmumula sa guni-guni

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists