Kishore Kumar Hits

Joey Ayala at ang Bagong Lumad - Dabaw lyrics

Artist: Joey Ayala at ang Bagong Lumad

album: Magkabilaan


Bituin sa lupa
Kumikislap sa kapatagan
Nakikita kita
Ngayon at tuwing gabi
Ang iyong tanglaw
Ay sintingkad
Ng tanglaw ng bituin
Sa ibabaw natin
Dabaw Dabaw
Ang 'yong lansangan
Ay tahanan ng batang ulila
Sa iyong estero
Pangarap ay nakapunla
Sa iyong mga looban
At pagawaan
Inaaruga ang kinabukasan
Dabaw Dabaw
Dabaw Dabaw
Ang iyong tanglaw
Ay aking gabay
Tuwing maligaw
Sa piniling landas
Sa himig mo
Ako'y sumasabay
Saksi at kasapi
Sa iyong pagliyab
Sa iyong mga looban
At pagawaan
Inaaruga ang kinabukasan
Dabaw Dabaw
Dabaw Dabaw

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists