Isang basong tubig Galing sa poso Inutang na kanin At malamig na ginamos Kaunting asin sa plastic na platito ( Busog na bay!) Pwede nang magtrabaho Sa aking balikat ay papasanin... Tatlong daang kilo ng asukal Limang daang sako ng Denorado Sanglibong kaha ng delata Sampung tonelada ng harina... Kalawanging bubong Pader na may butas Posteng pilay At Sahig na paduyan duyan Itong aking palasyo'y Pagkatibay-tibay ( Pero pwede na pre.) Tuloy ang hanapbuhay Ngayong araw ay tatapusin ko. Isang subdibisyon limampung Hektarya Tatlong dosenang mansyon na magara