Buwan buwan, hugis duyan Ako'y hinimlay sa 'yong kandungan Buwan buwan, ngiti sa kalawakan Isang hiwang pilak sa alkansiyang kawayan. Silayan itong tahanang munti Hawiin ang ulap sa langit Masdan ang sanggol sa tabi ng ina Biyaya ng hatinggabi Luwalhati kahit pansandali Silayan itong abang manggagawa Pago dang kat'wan at isipan Bigyan ng ginhawa hagkan ng pahinga Nag-iipon siya ng lakas Upang harapin ang bukas