Manong manong pawikan Tahanan ay pasan-pasan Wala ba kayong mapaglagyan Sa lupang kinagisnan Sa hampas ng alon Sa agos ng daang-taon Patuloy kayong gumagapang Yapus-yapos ng putikan Subalit sa laot Laya niyo'y natitikman Lumulutang, sumisisid Sa kailalim-laliman O manong pawikan Ako sana'y turuan niyo Kung ano ang paraan Na ang mabigat ay gumagaan Manong manong pawikan Tayo ba'y magkaangkan Ako ma'y may tahanan Subalit walang mapaglagyan Ang lupang namalayan ko'y Punung-puno ng bakuran Na lalong pinatibay Ng titulo't kasulatan O manong pawikan Di ko maintindihan Ang lupang pinanggalingan ko Ngayo'y ari-arian O manong pawikan Ako sana'y turuan niyo Kung ano ang paraan Na ang mabigat ay gumagaan Aaaaa...