Lupa, laot, langit ay magkaugnay Hayop, halaman, tao ay magkaugnay Ang lahat ng bagay ay magkaugnay Magkaugnay ang lahat Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay Sa gitna ng kalawakan Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay Sa halaman, sa hayop at sa atin Iisang pinagmulan Iisang hantungan ng ating lahi Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito Sa lupa, sa laot at sa langit