Hayaan ang mga magsasaka Lumabo ang buhay, makamit ang ginhawa Dahil buong bayan ang makikinabang Kung pananim nila ay sagana Tulungang pumalaot ang mga mangingisda Nang walang balakid at sapat ang nakukuha Upang sambayanan ay may makain Hindi kailangang sa ibang bansa hakutin 'Di kailangang sa malayo pa manggaling Sa paligid kay raming makakain Tulungang umusbong ang pag-asa Kalikasa'y tiyaking inaaruga Dahil nakasalalay Magka-ugnay nating buhay 'Wag magkibit-balikat Dahil tiyak na aangat Dahil nakasalalay Magka-ugnay nating buhay 'Wag magkibit-balikat Dahil tiyak na aangat Hayaang abutin ng mga puno ang langit Ang mga bundok, 'wag naman sana papatagin At daloy ng ilog, 'wag nating hadlangan Pampang at dagat ipaglaban sa mangangamkam Kung matutupad ang pag-aruga Mundo, marahil mas giginhawa Magkakasamang makikinabang Matutuwa ating inang kalikasan Dahil nakasalalay Magka-ugnay nating buhay 'Wag magkibit-balikat Dahil tiyak na aangat Dahil nakasalalay Magka-ugnay nating buhay 'Wag magkibit-balikat Dahil tiyak na aangat Dahil nakasalalay, oh Magka-ugnay nating buhay 'Wag magkibit-balikat Dahil tiyak na aangat Hey