Kishore Kumar Hits

Buklod - Tatsulok lyrics

Artist: Buklod

album: Tatlong Dekada (Ang Muling Pag-Awit)


Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy, makinig ka, 'wag nang magpagabi
Baka pagkamalan pa't humandusay diyan sa tabi
Totoy, alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng 'di matapos-tapos na kaguluhang ito?
Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay 'di siyang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Lumilikas ang hininga ng kay raming mga tao
Ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy, kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Katulad mong dukha ang ilagay mo sa tuktok
Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay 'di siyang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay 'di s'yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists