Kung naisin mo na ako'y iwan Masasaktan man, ika'y bibitiwan 'Di na kailangan na magpaliwanag Sa'yong daan hindi haharang Kung patungo ka naman Sa iyong kaligayahan Kung maramdamang may iba nang mahal Mas nanaisin kung ika'y lilisan 'Wag nang sayangin ang 'yong oras sa 'kin Magdaramdam ngunit palalayain Hangad ko lang naman ang 'yong kaligayahan Mangangarap, ngunit hindi aasang babalik Gabi-gabing mananalangin Pero ang 'yong gusto ang susundin Maghihintay, ngunit hindi na muling lalapit Isasantabi ang nararamdaman, buong-buo ika'y pakakawalan Masakit man sa loob Hangad ko lang ang kaligayahan mo Kung natatakot na ako'y masaktan Huwag kang mag-alala sa 'yong paglisan 'Di papakita ang patak ng luha Sa iyong harapan ako'y ngingiti lang Huwag ka lang makadama ng kalungkutan Kung naisan na ako'y balikan Kung nasaktan ka, ika'y aking hahagkan Pupunasan ko ang mga luha Ang iyong lungkot pipiliting mawala Hanggang sa madama ang 'yong kaligayahan Mangangarap, ngunit hindi aasang babalik Gabi-gabing mananalangin Pero ang 'yong gusto ang susundin Maghihintay, ngunit hindi na muling lalapit Isasantabi ang nararamdaman, buong-buo ika'y pakakawalan Masakit man sa loob Hangad ko lang ang kaligayahan mo Abot langit ang daing na huwag mong iwan Anong magagawa kundi ang magparaya Harapin ang bukas na wala ka Maging masaya na ika'y maligaya Mangangarap, ngunit hindi aasang babalik Gabi-gabing mananalangin Pero ang 'yong gusto ang susundin Maghihintay, ngunit hindi na muling lalapit Isasantabi ang nararamdaman, buong-buo ika'y pakakawalan Masakit man sa loob Hangad ko lang ang kaligayahan Masasaktan ngunit ika'y bibitawan Hangad ko lang ang kaligayahan mo Hangad ko lang ang kaligayahan mo