Oh, oh-oh, mmm-mmm Saklolo, sa'n ka ba tumatakbo? Naliligaw, nalilito Kung wala nang makapitan at ang mundo'y gumuho Lahat parang inagaw na sa 'yo Wala na bang natitirang pag-asa? Sumisigaw sa langit na "'Di naman sa masama ang ginagawa Ba't nahihirapan pa?" Ang dalangin mo sana Naghihintay ng himala Hindi ka bibigyan ng 'di mo kaya Lahat ng takot ay Ibigay mo kasama ng lumbay Dala-dalang bigat ng 'yong buhay Dahan-dahang iabot mo sa Kanya Tibayan ang loob, 'di ka dapat matakot Sa nakabibinging ingay ng mundo Pakinggan ang iyong loob Makinig sa 'yong pusong magliligtas sa 'yo Ang hinahanap mo ay nasa 'yo Nariyan lang sa 'yo, whoa 'Wag ka agad mawalan ng pag-asa Kung mundo ma'y parang pinagkaisahan ka 'Wag mong pagdudahan ang iyong sarili Kung wala namang masamang ginagawa Lahat ng takot ay Ibigay mo kasama ng lumbay Dala-dalang bigat ng 'yong buhay Dahan-dahang iabot mo sa Kanya Tibayan ang loob, 'di ka dapat matakot Sa nakabibinging ingay ng mundo Pakinggan ang iyong loob Makinig sa 'yong pusong magliligtas sa 'yo Ang hinahanap mo ay nasa 'yo Matagal nang nasa 'yo, oh Nakabibinging mundo Kaya 'di na marinig minsan ang sarili mo Nariyan Ako sa puso mo 'Wag makikinig sa ingay ng mundo Hinahanap mo ay nariyan sa 'yo Bakit 'di na marinig minsan ang sarili mo? Nariyan Ako sa puso mo 'Wag makikinig sa ingay ng mundo Hinahanap mo ay nariyan sa 'yo Magtiwala kang kaya mo Nasa 'yo Ako Nasa 'yo Ako, oh