Muli ay iyong pagbigyan, ako'y nagkamali Muli ay iyong patawarin, ako'y nagsisisi Alam kong ako'y nangakong 'di na mauulit pa Ako'y nagkamali sa'yo, muli ay patawarin mo Ako ba'y iyong yayakapin Nakaraa'y kayang limutin Magtiwalang muli, mahalin mong muli Magbalik ka sa akin 'Di ko kakayanin kung Ika'y mawawala sa aking piling 'Di ko kakayanin 'pag Nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin 'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita Sa'yo lang ang pag-ibig ko Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali Pag-ibig ko'y muling tanggapin Muli ay iyong pagbigyan pag-ibig natin Sabihin mo sa akin, ang iyong gusto'y susundin Magtiwalang 'di sinasadyang maging 'di tapat sa'yo Nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ginusto Ako pa ba'y kayang yakapin Ang init ng halik sa akin Kaya bang ibalik dama ang bawat saglit? Ng sakit ngayong wala ka na 'Di ko kakayanin kung Ika'y mawawala sa aking piling 'Di ko kakayanin 'pag Nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin 'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita Sa'yo lang ang pag-ibig ko Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali Pag-ibig ko'y Muling tanggapin, muling mahalin 'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling Muling mahalin, ika'y magbalik Magtiwalang muli, muling ibalik Ang pag-ibig na dati'y sa atin 'Pagkat 'di ko kakayanin kung Ika'y mawawala sa aking piling 'Di ko kakayanin 'pag Nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin 'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita Sa'yo lang ang pag-ibig ko Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali Pag-ibig ko'y muling tanggapin Muling tanggapin Muling tanggapin Muling tanggapin