Kishore Kumar Hits

Bandido - Yakap lyrics

Artist: Bandido

album: Yakap


Isang gabi, ako'y pauwi
Nagkukumpulan ang mga tao kaya huminto sandali
May isang babaeng nakahandusay
Kahit tignan mo sa malayo, iba na ang kanyang kulay
Sabi ng isang ale, nanggaling daw sa itim na van
Bulong naman ng isang lalake, "Siguro, tulak 'yan"
Ano kaya pangalan niya? May naghihintay kaya?
Sa mga yakap niya't halik, mayro'n kayang nananabik?
Ano kaya pangalan niya? Mayro'n kayang umaasa
Na ngayong gabi, sila'y magkakasamang muli?

Lumipas ang ilang minuto, nagsikonti ang mga tao
Mayro'n namang malapit na presinto, ba't wala pang pulis dito?
'Yung iba dere-deretso lang sa paglalakad
Ni hindi lumilingon na parang ordinaryo lang lahat
Sabi ng isang bata, "Pangatalo na 'yan ngayong linggo"
Umiiling ang isang mama, "Ganyan talaga dito"
Ano kaya pangalan niya? May naghihintay kaya?
Sa mga yakap niya't halik, mayro'n kayang nananabik?
Ano kaya pangalan niya? Mayro'n kayang umaasa
Na ngayong gabi, sila'y magkakasamang muli?
Ano kaya pangalan niya? May naghihintay kaya?
Sa mga yakap niya't halik, mayro'n kayang nananabik?
Ano kaya pangalan niya? Mayro'n kayang umaasa
Na ngayong gabi, sila'y magkakasamang muli?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists