Kishore Kumar Hits

RJ Manulid - Gamot lyrics

Artist: RJ Manulid

album: Reassurance


Gamot mo ba'y ininom mo na?
Alam ko buong araw, mapapagod ka
Pasensya na sa aking pag-alala
Nawala man ang lungkot mo
Lumisan rin ang iyong sigla
Sa tahimik na silid
Kahit ano man ang sasabihin
Ito ang aking pangako
Ito ang aking pangako
Kung nahihirapan ka
Nandito lang ako
Aalagaan kita
Sa kabiguan at tagumpay
Mahal kita habangbuhay
Aalagaan kita
Aalalayan kita
Pag naguguluhan at sinusumpong
Hinihila ka ng mga halimaw mo
Sa bigat ng 'yong dinadala
Ang pighati ay napapansin
Gagaling ka rin, tiwala lang
Sa tahimik na silid
Kahit ano man ang sasabihin
Ito ang aking pangako
Ito ang aking pangako
Kung nahihirapan ka
Nandito lang ako
Aalagaan kita
Sa kabiguan at tagumpay
Mahal kita habangbuhay
Aalagaan kita
Magpapakatatag ako para sa'yo
Kahit nanghihina rin ang aking katawan
Hindi ako matatakot
Basta't kasama tayo
Walang magiging hadlang
Ngayon at magpakailanman
Ikaw ang aking kailangan
Kung nahihirapan ka
Nandito lang ako
Aalagaan kita
Sa kabiguan at tagumpay
Mahal kita habangbuhay
Aalagaan kita
Kung nahihirapan ka
Nandito lang ako
Aalagaan kita
Sa kabiguan at tagumpay
Mahal kita habangbuhay
Aalagaan kita
Aalalayan kita

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists