Kishore Kumar Hits

Joni Villanueva - O Hesus lyrics

Artist: Joni Villanueva

album: Love, Joni


Hesus, liwanag Ka ng buhay ko
Tanglaw sa dilim ng magdamag
Saang sulok man tingnan sa kalawakan
Kumukutitap ang pagmamahal
Hesus, Ikaw ang araw ko at buwan
Gabi at araw, minamahal
Kung dumidilim at bagyo'y dumaraan
Hinahanap Kita't tinatawagan
O Hesus, Ikaw ang aking lakas
Buhay ko'y sa 'Yo lamang nagmumula
Nasaan Ka man, ako'y paririyan
Upang Ika'y pasalamatan
O Hesus, ako ay turuan
Kung pa'no labanan ang kahinaan
Dalangin ko't dasal ay Iyong pagbigyan
Manaig sa mundo'y kapayapaan
Hesus, patawarin Mo ako
Sa mga kasalanan ko
Ako'y bigyang puwang upang mabago
Ang kaharian Mo'y pangarap ko
O Hesus, Ikaw ang aking lakas
Buhay ko'y sa 'Yo lamang nagmumula
Nasaan Ka man, ako'y paririyan
Upang Ika'y pasalamatan
O Hesus, ako ay turuan
Kung pa'no labanan ang kahinaan
Dalangin ko't dasal ay Iyong pagbigyan
Manaig sa mundo'y kapayapaan
O Hesus, Ikaw ang aking lakas
Buhay ko'y sa 'Yo lamang nagmumula
Nasaan Ka man, ako'y paririyan
Upang Ika'y pasalamatan
O Hesus

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists