Ang puso ko'y nabihag ng 'Yong pagmamahal Nag-aalab kong hangad sa tuwina ay tanging Ikaw Sa piling Mo'y ano pa ang hahanapin ko? Sapat na ang pagkakataong mapalapit sa 'Yo Tanging Ikaw (tanging Ikaw), ang tibok ng puso ko (ang tibok ng puso ko) Walang ibang sinisigaw (walang iba), kun' 'di ang ngalan Mo Pag-ibig ko'y tanging Ikaw, Panginoon Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan ay tanging Ikaw (Buhay ko't kagalakan, tanging Ikaw) Ang buhay ko'y pinagpala Mong lubusan Katapatan Mo sa akin ay sadyang walang hanggan Nais kong mamasdan ang 'Yong kagandahan Habang ako'y nananahan sa Iyong kabanalan Tanging Ikaw (tanging Ikaw), ang tibok ng puso ko (ang tibok ng puso ko) Walang ibang sinisigaw (walang iba), kun' 'di ang ngalan Mo Pag-ibig ko'y tanging Ikaw, Panginoon Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan ay tanging Ikaw Makamtan ko man lahat ng yaman sa mundo (lahat ng yaman) Ikaw pa rin ang hinahanap nitong damdamin ko, oh (Ikaw ang hinahanap) Tanging Ikaw, ang tibok ng puso ko Wala na ngang iba (sinisigaw), kun' 'di ang ngalan Mo, Hesus (kun' 'di ang ngalan Mo) Pag-ibig ko'y tanging Ikaw, Panginoon Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan (buhay ko't kagalakan ay tanging Ikaw) Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan (buhay ko't kagalakan ay tanging Ikaw) Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan (buhay ko't kayamanan) Tanging Ikaw