Kishore Kumar Hits

Lito Magnaye - Awit Ng Papuri - Minus One With Melody Guide lyrics

Artist: Lito Magnaye

album: Lito Magnaye, Vol. 13 (Minus One)


Purihin ninyo ang Panginoon
Dakilain ang Kanyang ngalan
Purihin, Siya ay awitan
At papurihan magpakailanman
Nilikha Niya ang langit at lupa
Nilikha Niya ang araw at buwan
Nilikha Niya ang mga isda't ibon
Mga gubat at karagatan
Tunay Siyang banal at dakila
Purihin ang Kanyang ngalan
Ang lahat ng nilikha Niya'y mabuti
Pinagyaman Niya ng lubusan
Purihin ninyo ang Panginoon
Dakilain ang Kanyang ngalan
Purihin, Siya ay awitan
At papurihan magpakailanman
Nilalang ng Panginoon ang tao
Sa sarili Niyang larawan
Nilalang Niya ang 'sangkatauhan
Binigyan Niya ng kalayaan
Tunay Siyang banal at dakila
Purihin ang Kanyang ngalan
Kahit nagkasala ang tao
Minahal Niya pa rin ng lubusan
Purihin ninyo ang Panginoon
Dakilain ang Kanyang ngalan
Purihin, Siya ay awitan
At papurihan magpakailanman
Ito ang tipanan ni Yahweh
Sa lahat ng Kanyang nilalang
"Ako ang iyong Panginoon
Ikaw ang tangi Kong hinirang"
Tunay Siyang banal at dakila
Purihin ang Kanyang ngalan
Pinagpapala ang mga taong
Sa Kanya ay tapat kailanman
Purihin ninyo ang Panginoon
Dakilain ang Kanyang ngalan
Purihin, Siya ay awitan
At papurihan magpakailanman
Purihin, Siya ay awitan
At papurihan magpakailanman

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists