Kunin at tanggapin ang alay na ito Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo Tanda ng bawat pusong 'pagkat inibig Mo Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo Tinapay na nagmula sa butil ng trigo Pagkaing nagbibigay ng buhay Mo At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas Inuming nagbibigay lakas Kunin at tanggapin ang alay na ito Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo Tanda ng bawat pusong 'pagkat inibig Mo Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo Lahat ng mga lungkot, ligaya't pagsubok Lahat ng lakas at kahinaan ko Inalay ko'ng lahat, buong pagkatao Ito ay isusunod sa 'yo Kunin at tanggapin ang alay na ito Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo Tanda ng bawat pusong 'pagkat inibig Mo Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo Ang bayang inibig mo, ngayo'y umaawit Sa 'Yo ay sumasamba't nananalig Umaasang diringgin ang bawat dalangin Sa alay na ito'y nakalakip Kunin at tanggapin ang alay na ito Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo Tanda ng bawat pusong 'pagkat inibig Mo Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo Ngayo'y nananalig (umaasa) Dumudulog (sumasamba) Umaawit (nagmamahal) Sa 'Yo