Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin At manahan kang ligtas sa lupain Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan At pangarap mo ay makakamtam Ang 'yong sarili, sa Diyos mo ilagak 'Pag nagtiwala'y tutulungan kang ganap Ang kabutihan mo ay magliliwanag Katulad ng araw, kung tanghaling tapat Umasa ka (umasa ka) sa Diyos (sa Diyos), ang mabuti'y gawin At manahan kang ligtas sa lupain Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan At pangarap mo ay makakamtam Sa harap ng Diyos, pumanatag ka Maging matiyagang maghintay sa Kanya Huwag mong kainggitan ang gumiginhawa Sa likong paraan, umunlad man sila Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin At manahan kang ligtas sa lupain Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan At pangarap mo ay makakamtam At pangarap mo ay makakamtam (ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah-ah-ah)