Kishore Kumar Hits

Zendee - Habang Kayakap Ka lyrics

Artist: Zendee

album: Z


Sa bawa't nagdaang araw, hinahanap-hanap
Iyong mga lambing, dama lang sa ‘yong piling
Sa tamis ng pagsinta'y nangungulila
Uhaw sa ‘yong halik, sa t'wina'y nananabik
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito, ako'y iyo lamang
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan
T'wing ako'y umiidlip, nananaginip
‘Yong labing kay tamis, yakap mong kay higpit
At sa pagbuhos ng ulan, tayo'y sumilong
Pawiin ang lamig, pag-ibig ay damhin
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito, ako'y iyo lamang
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito, ako'y iyo lamang...
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal...
Habang ating pinapatila ang ulan...

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists