Musmos ka pa lamang, minahal na kita Mula sa kawalan, tinuring kang anak Sa bawat tawag ko, ika'y lumalayo Hindi mo batid, ako'y nabibigo Aking isasaysay, kung mararapatin Sa una mong hakbang, nang kita'y akayin Binalabalan ka, matang masintahin Kinakandong kita, animo'y alipin Pinagtabuyan mo ako, pinagtulakan nang husto Maglaho ka sa harap ko Ngunit yaring pintig ng puso ko Matupok man lahat sa buong daigdig Hindi magmamaliw ang aking pag-ibig Panginoon ako, at hindi alabok Paano ko kaya, ikaw malilimot? Paano ko kaya, ikaw malilimot?