Sa hapag ng Panginoon Buong bayan ngayo'y nagtitipon Upang pagsaluhan ang kaligtasan Handog ng Diyos sa tanan Sa panahong tigang ang lupa Sa panahong ang ani sagana Sa panahon ng digmaan at kaguluhan Sa panahon ng kapayapaan Sa hapag ng Panginoon Buong bayan ngayo'y nagtitipon Upang pagsaluhan ang kaligtasan Handog ng Diyos sa tanan Ang mga dakila't dukha Ang banal at makasalanan Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan Ang lahat ay inaanyayahan Sa hapag ng Panginoon Buong bayan ngayo'y nagtitipon Upang pagsaluhan ang kaligtasan Handog ng Diyos sa tanan Sa aming pagdadalamhati Sa aming pagbibigay-puri Ano pa mang pagtangis, hapo't pasakit Ang pangalan N'ya'y sinasambit Sa hapag ng Panginoon Buong bayan ngayo'y nagtitipon Upang pagsaluhan ang kaligtasan Handog ng Diyos sa tanan