Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos sa kaitaasan! Papuri sa Diyos! At sa lupa'y kapayapaan Sa mga taong kinalulugdan Niya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin Pinasasalamatan Ka namin Sa 'Yong dakilang angking kapurihan Panginoong Diyos, Hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo Maawa Ka sa amin, maawa Ka Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo Tanggapin Mo ang aming kahilingan Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon Kasama ng Espiritu Santo Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen! Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos sa kaitaasan! Papuri sa Diyos sa kaitaasan! Papuri sa Diyos!