Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka Ang init ng 'Yong biyaya, sa ami'y ipadama Patnubay ng mahihirap, oh, aming pag-asa't gabay Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya ♪ Liwanag ng kaaliwan, sa ami'y dumalaw Ka Kalinga Mo ang takbuhan, noong unang-una pa Pawiin ang aming pagod, ang pasani'y pagaanin Minamahal kong kandungan, sa hapis, kami'y hanguin ♪ Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka Idulot Mo po sa amin, kapayapaang wagas Ang 'Yong gantimpala't mana, pangako Mong kasarinlan Ang bunga ng pagkandili, ligaya magpakailanman ♪ Du-du-du-du-du-du-du-du-du