Naalala ko pa ♪ Nang nakilala kita ♪ Nagbanggaan ng linya para sa isang dula Nautal, nabulol ang hari ng teatro 'Di mo lang alam, napatawa mo ako Naalala ko pa ♪ Nang una kang umamin Unang nagtapat ng pag-ibig mo sa akin Umurong ang 'yong dila, dinaan sa biro at tula Tinawanan lang kita, pero ang totoo, kinilig din ako Naaalala ko pa kung gaano kasimple Kung gaano kadali, kung gaano kasaya Naaalala ko pa, naaalala ang... 'Di ko malilimutan Nang una tayong nagtampuhan ♪ Nagsimula sa kantiyawan tapos ay nagkapikunan Buong araw nagsagutan, sa gabi, 'di nagpansinan Akala ko, tapos na tayo, pero lumapit ka't pinatawa 'ko Naaalala ko pa kung gaano kasimple Kung gaano kadali, kung gaano kasaya Naaalala ko pa Naaalala mo ba?