Kishore Kumar Hits

Ian Veneracion - Dolores lyrics

Artist: Ian Veneracion

album: Paglisan (The Leaving: Original Soundtrack)


Isang buong nobela ang iyong mukha
Nagsasalaysay ng mga kwentong ikaw lang ang may alam
Ano kayang nakikita ng isip sa tuwing ika'y nakapikit?
Ano'ng pangarap ang bumabalik sa nabubuong panaginip?
Habang natutulog nang payapa
Sa bisig ko, sa piling ko
Kunin mo ang kamay ko
Dalhin mo ako sa tinatago mong mundo
Alam ko, mahal, hindi mo man sabihin
Sagad na, ubos na, pagod na ang puso mo sa akin
Sana'y lumaya ka sa saglit na pag-idlip
Humimbing ka, mahal, lumipad sa iyong panaginip
Habang natutulog nang payapa
Sa bisig ko, sa piling ko
Hiling ko lang, sana'y pakinggan
Na sa paggising mo, mahal mo pa rin ako
Sana paggising mo, mahal mo na ulit ako

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists