Ikaw lang ang laman ng pangarap Mundo koy walang hinahangad Sayo ako'y nangangako Na walang ibang hinahanap Ngunit bakit sa t'wing ako'y lalapit Ika'y lumalayo At di pansin ang aking hiling. Oh nasaan ng pangako mong Ating pinagmulan ay hindi mapapalitan Ang hanap koy ikaw Umaasang muli kang babalik Pagkat awit ng puso'y ikaw. Sa'yo aking nasilayan Mundo ko'y hindi natagpu-an Kung maari pag-ibig koy yakapin Malimot ang lahat Upang puso'y muling makamtan. Oh nasaan ng pangako mong Ating pinagmulan ay hindi mapapalitan Ang hanap koy ikaw Umaasang muli kang babalik Pagkat awit ng puso'y ikaw.