Iguhit mo ang iyong pangarap Habang ang liwanag ng araw ay natatanaw Sige at hawiin ang tinik sa iyong mga landas Nasa palad mo ganda ng iyong bukas Ang buhay ay sadyang makulay Tigib ng pagsubok ang mundong ating nagisnan Ngunit ang sugat at hapdi na ating naramdaman Ay siyang lunas upang maging matibay Ating umaga'y may hiwaga at ganda Mithiin ng puso'y bukas madarama Sa Maylikha, h'wag kang bibitiw Pangarap mo'y mararating Pinagmulan ay huwag mo lang limutin Gawing ginto ang bawat oras Ang mga mithiin, huwag nang ipagpabukas pa Bago dumilim ang langit, unos ay dumating Sumilong ka, sa Diyos ika'y kumapit Ating umaga'y may hiwaga at ganda Mithiin ng puso'y bukas madarama Sa Maylikha, h'wag kang bibitiw Pangarap mo'y mararating Pinagmulan ay huwag mo lang limutin Ohhh Ohhh Ating umaga'y may hiwaga at ganda Mithiin ng puso'y bukas madarama Sa Maylikha, h'wag kang bibitiw Pangarap mo'y mararating Pinagmulan ay huwag mo lang limutin Pinagmulan ay huwag mo lang limutin