Kishore Kumar Hits

Eurika - Bakit Ba Ganito lyrics

Artist: Eurika

album: Eurika (The Teen Pop Idol)


Ano ba itong nararamdaman ko?
Bakit ba ganito? Nakakalito
Kung wala, hinahanap ka, 'pag nandyan, ano'ng kaba
Kahit 'di ko naman ito sinasadya
Kapag ako'y nilapitan mo
Bumibilis pagtibok ng aking puso
At sa 'yong mga tingin
Mundo ko'y nagniningning
Bakit ba ganito ang aking tuwang nadarama
Kapag ikaw ang lagi kong kasama?
Mula nang makilala ka, mundo ko'y nag-iba
Hindi maipaliwanag ang nadarama
Pa'no na kaya kung mapansin ang pusong litong-lito?
Ito ba ay isang paghanga sa 'yo?
At kahit saang sulok ako magtago
Nandito ka pa rin sa isipan ko, bakit ba ganito?
At sa tuwing ika'y aking nakikita
Parang nasa ulap na tayong dalawa
'Di masukat ang tuwa 'pag nasisilayan ka
Kahit 'di ko naman ito sinasadya
Pa'no na kaya kung mapansin ang pusong litong-lito?
Ito ba ay isang paghanga sa 'yo?
At kahit saang sulok ako magtago
Nandito ka pa rin sa isipan ko, bakit ba ganito?
Ako'y nangangamba na baka iyong mahalata
Basta't alam ko lang mga tanong sa 'king isipan
Sa 'king isipan
Bakit ba ganito ang aking tuwang nadarama
Kapag ikaw ang lagi kong kasama?
Mula nang makilala ka, mundo ko'y nag-iba
Hindi maipaliwanag ang nadarama
At kahit saang sulok ako magtago
Nandito ka pa rin sa isipan ko, bakit ba ganito?
Bakit ba ganito? Bakit ba ganito?
Ooh-woah, ooh-woah-ooh-ooh, ooh-ooh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists